^

Metro

Bukas Kotse Gang, Apo ni Dolphy ninakawan

- Rose Tamayo-Tesoro -

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa hu­migit-kumulang sa kala­hating milyong pisong salapi pati na ng mga personal na kagamitan ang natangay sa apo ng beteranong komed­yante na si Dolphy (o Ro­dolfo Vera Quizon) at ka­sama nitong babae maka­raang mabiktima sila ng Bukas Kotse Gang kama­kalawa ng gabi sa B.F. Homes, Parañaque City.   

Ang mga biktima ay kini­lala ni PO1 Pio Calve, Jr. na sina Manuel Villegas Quizon II (Boy 2), 24, at Marrian Mabel Oliver, 32, kapwa residente ng #15 Canberra, B.F. Homes, Northwest, Para­ñaque City.

Natangay sa mga biktima ang tinata­yang nasa P80,000 halaga ng salapi, Philippine Passport at visa, ATM (Metro Bank, BDO); Check Book, I-phone; Cell­phone; Credit Cards, BPI; Oakly Backpack at isang PSP.   

Dakong alas-11:30 ka­ma­kalawa ng gabi nang mangyari ang insidente sa parking area ng Park ‘N Shop sa Dr. A Santos Ave­nue, B.F. Homes.

Unang ipinarada ng mga biktima ang kanilang sasak­yang Ford Expedition na may plakang WLD-156 sa naturang parking area saka nagtungo ang mga ito sa loob ng Gymaholic para maglibang.

Makalipas ang isang oras at kalahati, nang balikan nila ang sasakyan, nadiskubre ng mga biktima na ang ka­liwang bahagi ng salamin ng kanilang sasakyan sa ga­wing harapan ay basag na.

Nang usisain ang kaga­mitan sa loob ng sasakyan, natuklasan ng mga biktima na nanawala na ang kani­lang salapi at personal na kagamitan.

BUKAS KOTSE GANG

CHECK BOOK

CREDIT CARDS

DR. A SANTOS AVE

FORD EXPEDITION

MANUEL VILLEGAS QUIZON

MARRIAN MABEL OLIVER

METRO BANK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with