Court martial vs amok na Army Sgt.

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Army Spokesman Lt. Col. Romeo Brawner Jr. na isasalang na sa court martial ang nag-amok na Army Sergeant na pumatay ng tatlo nitong opisyal habang isa pa ang malubhang nasugatan noong Pebrero 25 ng gabi sa barracks ng Special Forces Company (SFC) sa Fort Boni­facio, Taguig City.

Sinabi ni Brawner na ma­liban sa kasong 3 counts of murder at 1 count of frustrated murder ay ihaharap rin nila ang suspect na si Sgt. Elias Tial sa General Court Martial (GCM) kaugnay ng paglabag sa Articles of War (AW) 97 conduct prejudicial to good order and military discipline atbp.

Noong Pebrero 25 ng gabi ay nag-amok si Tial at pinagba­baril ng M-16 rifles ang tatlo nitong superior habang nagpu­pu­long sa ikatlong palapag ng barracks ng SFC sa Fort Boni­facio, Taguig City .

Sinasabing naburyong si Tial dahilan sa sobrang pagda­dalamhati nang ma­matay no­ong Pebrero 21 ang ama nito sa Iloilo kung saan nagpaalam na uuwi sa kanilang lugar para dumalo sa libing.

Sa kasalukuyan ay patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtori­dad sa kasong ito. (Joy Cantos)

Show comments