^

Metro

Zero bank robbery sa MM sa loob ng 2 buwan - NCRPO

-

MANILA, Philippines - Walang naitala ni isa mang insidente ng bank robbery/hold­up, at iba pa mula Enero hang­gang Pebrero 28 o sa loob ng nakalipas na dalawang buwan   sa Metro Manila ang National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO Chief Di­rector Leopoldo Bataoil, ito’y bun­sod ng pinalakas na police visibility na partikular na tinu­tukan ang bank robbery/holdup sa mga commercial centers na kinaroroonan ng mga bangko sa Metro Manila.

Base sa tala ng NCRPO, ayon kay Bataoil, wala ni isa mang insidente ng bank rob­bery, armored van robbery, pay­roll robbery at robbery matapos na mag-withdraw sa bangko ang NCRPO.

Sinabi ni Bataoil na zero sa nasabing mga krimen sa Metro Manila ang NCRPO kumpara sa nairekord noong Enero hang­gang Pebrero ng nagda­ang taon kung saan dalawang bank robbery, isang armored van, apat na payroll robbery at pitong bank client robbery ang naganap.

Inihayag ng NCRPO Chief na ang ‘zero heist incident’ nitong Enero hanggang Peb­rero 2009 kasunod ng pagkaka­lansag sa notoryus na Waray-Waray /Ozamis robbery groups nitong Disyembre 5, 2008 sa Parañaque City na ikinasawi ng sampung suspect habang na­damay rin sa insi­ dente ang limang sibilyan at napatay ang isang police commando.

Idinagdag pa ni Bataoil na karagdagang 300 pang pulis mula sa Regional Head­quarters ang kanilang ipaka­kalat sa Metro Manila at City Police Stations upang tumu­long sa pagpapanatili ng peace and order. (Joy Cantos)

BATAOIL

CHIEF DI

CITY POLICE STATIONS

ENERO

JOY CANTOS

LEOPOLDO BATAOIL

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

ROBBERY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with