Simula ngayong araw na ito: P22 rollback sa kada tangke ng LPG

Nagpatupad na naman ng rollback nga­yong araw ng P2 sa kada-kilo o P22 sa kada-11 kg tangke ng liquefied petro­leum gas (LPG) ang mga independent players ng naturang produkto.

Ayon kay Arnel Ty, pa­ngulo ng LPG Marketers Associa­tion, ang na­sabing rollback ay epek­tibo simula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.

Bunga naman ng na­sabing panibagong price reduction ay aabot na lamang sa P489 ang presyo ng LPG mula sa dating P522 ng 11-kg ng tangke nito.

Matatandaang nitong Martes ay una ng nagpa­tupad ng P1 rollback sa kada-kilo ng LPG ang LPGMA.

Samantala, inihayag naman ni Consumer and Oil Price Watch Chair­man Raul Concepcion na may aasahan pang P2 rollback sa presyo ng diesel ang publiko.

Maaari aniyang ipa­tupad ang naturang bawas-presyo sa Marso at Abril dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng langis sa world market.

Kamakalawa ng gabi ay una na ring nagpa­tupad ng P3 rollback ang Seaoil sa presyo ng kanilang diesel.

Show comments