Simula ngayong araw na ito: P22 rollback sa kada tangke ng LPG
Nagpatupad na naman ng rollback ngayong araw ng P2 sa kada-kilo o P22 sa kada-11 kg tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) ang mga independent players ng naturang produkto.
Ayon kay Arnel Ty, pangulo ng LPG Marketers Association, ang nasabing rollback ay epektibo simula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.
Bunga naman ng nasabing panibagong price reduction ay aabot na lamang sa P489 ang presyo ng LPG mula sa dating P522 ng 11-kg ng tangke nito.
Matatandaang nitong Martes ay una ng nagpatupad ng P1 rollback sa kada-kilo ng LPG ang LPGMA.
Samantala, inihayag naman ni Consumer and Oil Price Watch Chairman Raul Concepcion na may aasahan pang P2 rollback sa presyo ng diesel ang publiko.
Maaari aniyang ipatupad ang naturang bawas-presyo sa Marso at Abril dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng langis sa world market.
Kamakalawa ng gabi ay una na ring nagpatupad ng P3 rollback ang Seaoil sa presyo ng kanilang diesel.
- Latest
- Trending