^

Metro

PNP operatives nalansi sa Taguig hostage

-

Matapos ang halos walong oras na pag-aantabay, nalansi o hinihinalang gumamit umano ng “decoy” ang mga hostage-takers para lituhin ang mga awtoridad kung kaya’t nagawang matakasan ng mga ito ang sangka­ter­bang operatiba habang bitbit ang hostage victim at Medal of Valor awardee na si PO2 Jamaron Sandag.

Ayon kasi sa pahayag ni Col. Eleazar Mata ng Taguig crisis management unit, pinatay muna ng mga suspect ang mga ilaw sa loob ng Taguig Plaza Apartelle bago ma­ingat na tumakas sa naturang lugar kung kaya’t wala na ang mga ito nang halughugin ng Special Weapons And Tactics (SWAT) ang loob ng gusali. Dahil dito, ma­ging ang mga residenteng nakatira sa paligid ng gusali ay hindi rin namalayan ang paglabas ng mga suspect.

Nabatid na mula nang ikasa ang operasyon kamaka­lawa ng hapon para sa posibeng pagliligtas sa biktima, pasado alas-10 na ng gabi kamakalawa nang madis­kubre ng opertatiba na wala sa loob ng naturang gusali ang biktima at sinasabing mga hostage-takers nito na dati ring mga miyembro ng Special Action Force (SAF) ng PNP.

 Ma­tapos ang may walong oras na paghahalughog ay hindi nakita ang biktima, maging ang kanyang mga hostage taker. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AYON

ELEAZAR MATA

JAMARON SANDAG

MEDAL OF VALOR

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

SPECIAL ACTION FORCE

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

TAGUIG PLAZA APARTELLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with