3 toneladang 'double dead' meat nasabat

Upang hindi na mag­dulot ng sakit, ibinaon ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang tina­tayang 3 toneladang (3,000 kilos) “double dead” na mga karneng baboy na nasabat ng pu­lisya kama­ka­lawa ng gabi sa pa­lengke ng Balin­tawak.

Dakong alas-2 ng ma­daling-araw nang ibaon sa may Payatas dumpsite ng QCPD ang naturang mga karne sa pangamba na may taglay itong sakit na “ebola reston virus” at kumalat sa tao.

Sinabi ni QCPD Direc­tor, Chief Supt. Magtang­gol Gatdula na kumuha naman sila ng sampol ng karne at ibinigay sa ­City Vete­rinary Office upang isa­ilalim sa pagsusuri.

Nabatid na naganap ang operasyon dakong alas-12 ng gabi sa EDSA tapat ng Balintawak Market makaraang makatang­ gap ng impormasyon buhat sa mga lehitimong meat dealers ukol sa pag­babagsak ng isang sindi­kato sa mga “double dead” na karne sa naturang pamilihan.

Agad na sinalakay ng mga tauhan ng QCPD ang itinurong bagsakan ng kon­taminadong karne sa na­turang palengke kung saan agad namang nag­tak­­buhan ang mga tindero at mga miyembro ng sina­sabing sindikato. (Danilo Garcia at Angie dela Cruz)

Show comments