^

Metro

Sundalo nag-amok: 3 opisyal tinodas

- Nina Joy Cantos at Rose Tamayo-Tesoro -

Pinaniniwalaang ma­tin­ding depresyon sa pag­ka­­matay ng kanyang ama ang nagtulak sa isang sundalo matapos itong mag-amok at mamaril na ikinasawi ng tatlo nitong superior habang isa pang opisyal ang nasugatan sa loob ng kanilang barracks sa Philippine Army Head­quarters, Fort Bonifacio, Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Army Spokes­man Lt. Col. Romeo Braw­ ner Jr., ang pinaghahanap na gunman na si Sgt. Elias Tial na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Naganap ang insidente dakong alas-9:55 kama­ka­lawa ng gabi nang bigla na lamang maburyong at mag-amok si Tial na ar­mado ng M16 rifles. Wa­lang pakun­da­ngan itong nagpaputok ng armalite sa   barracks ng 12th Special Forces Com­pany (SFC)   sa ikatlong pa­lapag ng tran­sient quarters sa Fort Bonifacio ang kan­yang mga superior.

Sa panayam sa ilang opisyal , kinilala ng mga ito ang mga nasawi na sina 1st Lt. Gerald Fuentes, Team Leader ng suspect at Master Sergeant Eliseo de la Cruz; kapwa dead-on-arrival sa Fort Bonifacio Hospital.

Sa pinakahuling ulat, sinabi ni Brawner na ‘stable’ na si Capt. Benito Ramos Jr., Commanding Officer ni Tial, habang bi­nawian naman ng buhay dakong alas-11:55 ng umaga kahapon si Capt. Dionico Aragon Jr., Execu­tive Officer; habang nilala­patan ng lunas sa Makati Medical Center.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, sinabi ni Brawner na kasalukuyang nagpu­pu­long ang mga officer ni Tial nang bigla itong galit na dumating at kinuha ang kanyang M16 rifle subali’t sa halip na dumiretso sa outpost na binabantayan ay nagtungo ito sa quarters at walang sabi-sabing pi­naputukan ang nasorpresa nitong mga superior.

“Accordingly, Tial post­ed as a guard that night and went to the area where his superiors were having a meeting when he openly fired at them,” ani Brawner kung saan agad na tuma­kas si Tial na nagawa namang makuha ni Staff Sgt. Rolly Miranda ang baril nito pero nabigong ma­aresto dahil sa inuna ang mga sugatan nilang kasamahan.

Bago ito, ayon kay Braw­ner, nagpapaalam si Tial sa kanyang Com­mander na magbabakas­yon muna para dumalo sa libing ng kanyang ama na namatay noong Pebrero 21 sa Iloilo.

Ayon kay Brawner, hindi nila suka’t akalain ang marahas na aksyon ni Tial na kung tutuusin ay pi­na­hintulutan namang ma­ka­pagbakasyon kahit na noong isang buwan ay nag-leave na ito matapos na dumalo sa libing ng kan­yang tiyuhin sa nasabi ring lalawigan.

Sa pahayag ng mga ka­samahang sundalo ni Tial, sinabi nito na mas­yado umanong nagmama­dali ang suspect at hindi na mahintay na mag-file pa ng leave dahil gusto na nitong sumibat na kaagad pa­tungong Iloilo sa labis na pagdadalamhati.

ARMY SPOKES

BENITO RAMOS JR.

CAPT

COMMANDING OFFICER

DIONICO ARAGON JR.

ELIAS TIAL

FORT BONIFACIO

SHY

TIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with