Helper binoga

Natutulog ang 42-anyos na market helper na si Leony Ramos sa harap ng isang tindahan sa panulukan ng Zaragosa at Asuncion Streets sa Tondo, Manila nang barilin at mapatay siya ng isang hindi pa nakikilalang salarin kahapon ng mada­ling-araw. 

Hininala ng mga imbestigador na baka ang pumatay kay Ramos ay isa ring helper sa palengke na naiinggit sa kanya dahil siya ang paborito ng mga negosyante doon. (Ludy Bermudo)

Show comments