^

Metro

90 pamilya nasunugan ng bahay

-

Tinatayang 90 pamilya ang nawalan ng tirahan nang sumiklab ang sunog na tumu­pok sa may 50 kabahayan sa Brgy. 69, Park Avenue, Pasay City na bunsod ng pagsabog ng isang tangke ng liquefied petroleum gas kahapon ng madaling-araw.

Batay sa ulat, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Perfecto Trinidad na nasa 185 Int. Libertad ng nabanggit na lungsod.

Pansamantala namang ginawang evacuation center ang Jose Rizal Elementary School sa Park Avenue para sa mga biktima.  

Kasabay nito, umaabot sa P9 milyon halaga ng mga ari-arian ang nilamon ng apoy sa dalawang sunog sa Quezon City.

Ang unang sunog ay naitala sa Hi-Max Trading and Hardware sa 121 Kalayaan Avenue Barangay Central.

Nagsimula ang sunog nang isa sa mga tauhan ng naturang hardware store ay nagtangkang gumamit ng isang bread toaster malapit sa lalagyan ng mga thinner ng pintura.

Nasunog din ang isang bodega sa West Riverside, Frisco sa Brgy. Damayan. Na­tupok ng apoy ang isang bo­dega ng Zeta International Trading Corp. (Rose Tamayo-Tesoro at Angie dela Cruz)

BRGY

HI-MAX TRADING AND HARDWARE

JOSE RIZAL ELEMENTARY SCHOOL

KALAYAAN AVENUE BARANGAY CENTRAL

PARK AVENUE

PASAY CITY

PERFECTO TRINIDAD

QUEZON CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

WEST RIVERSIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with