MANILA, Philippines - Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang puganteng Hapones na wanted sa Japan dahil sa kaso niyang fraud. Kinilala ni Immigration Commissioner Marcelino Libanan ang suspek na si Toru Detobata, 47, na dinakip sa tinitirhan nito sa Dagat-Dagatan, Malabon noong Huwebes. Ayon kay Libanan, agad na ipatatapon palabas ng bansa ang nasabing dayuhan sa sandaling maipalabas na ang summary deportation order laban dito. Ani Libanan, simula pa noong Agosto 19, 2008 ay nagtatago na sa bansa ang dayuhan, at pumasok ito sa Pilipinas bilang turista. (Gemma Garcia)