Food Lane ilalaan sa MM
MANILA, Philippines - Maglalaan na ang Metropolitan Manila Development Authority ng food lane sa lahat ng mga pangunahing lansangan para sa mga perishable goods o madaling matunaw at mabulok na mga pagkain na dinadala ng mga biyahero papasok sa Kalakhang Maynila.
Ayon kay MMDA chairman Bayani Fernando, ang nasabing hakbang ay ginawa matapos na iparating sa kanyang tanggapan ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ng mga karatig bayan at probinsiya ang naturang panukala.
Ayon kasi sa mga biyahero, nararapat lamang na magkaroon ng “food lane” na nakalaan lamang sa kanilang mga trak na may dalang mga gulay at prutas na noon pa ay hindi anila nabibigyan ng pansin ng mga namumuno ng Kalakhang Maynila. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending