^

Metro

Sekyu itinumba sa sementeryo?

-

MANILA, Philippines - Isang malaking pala­isipan ngayon sa pulisya kung sadya ngang nag­pa­kamatay o pinatay ang isang guwardiya sa loob ng barracks ng isang semen­teryo kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Ang biktima ay kinila­lang si Alberto de Vera Jr., 53, may-asawa, resi­dente ng Blk. 14, Lot 17, Lanzo­nes St., Calendola VII, San Pedro Laguna at guwar­diya ng Maximum Security and Service Corp.

Batay sa ulat ng pu­lisya, dakong alas-4:24 ka­makalawa ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bar­racks ng Ma­nila Memorial Center na nasa 2383 Pasong Tamo Extension, Makati City.

Ang biktima ay natag­puang duguang nakati­haya at may tama ng bala sa kaliwang sentido nito.

Napag-alaman na bago naganap ang insi­dente, naglilinis ang isang ta­uhan ng libingan sa ka­pa­ligiran ng Manila Me­morial Center nang bigla siyang nakarinig ng isang malakas na putok sa loob ng barracks.

Nang usisain ang pi­nanggalingan ng putok, nakita nito ang biktima na duguan habang hawak ang isang .38 kaibre ng baril. Wala namang na­kitang anumang suicide note sa bangkay ng bik­tima at maging sa kapali­giran nito.

Sa kasalukuyan ay pi­nagdududahan pa ng pu­lisya ang anggulong nag­pa­kamatay ang bik­tima at inaalam din ng awtoridad kung ito nga ay kaliwete base sa tama ng bala sa kaliwang sentido nito at kung sadyang binaril ito ng malapitan.

Malaki rin umano ang po­sibilidad na pinalabas lang na nagpakamatay ito upang maikubli ang kri­men. (Rose Tamayo-Tesoro)

ALBERTO

MAKATI CITY

MANILA ME

MAXIMUM SECURITY AND SERVICE CORP

MEMORIAL CENTER

PASONG TAMO EXTENSION

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN PEDRO LAGUNA

SHY

VERA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with