^

Metro

Baby ibinenta ng ina sa halagang P3,000

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga ope­ratiba ng Manila Police District ang isang 25-anyos na ginang ma­tapos nitong ibenta sa halagang P3,000 ang sa­rili nitong anim na bu­wang sanggol na anak dahil lamang sa pagre­rebelde sa kanyang live-in partner sa Tondo, Maynila.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng MPD-Station 1 ang suspek na si Victoria Dominguez, ng 107 Herbosa St., Tondo, dahil sa reklamo ng kan­yang live-in partner na si Ardolfo Permejo, 27, pedi­cab driver, ng Block 64, Lot 7 Kawal Purok 4, Dagat-dagatan Extn., Caloocan City.

Patuloy namang pi­nag­hahanap ng pulisya ang isang “Dra. Erlin” na umanoy nakikipagkut­saba sa suspek upang ma­ibenta ang isang anim na buwang gulang na batang babae.

Lumalabas sa imbes­tigasyon ni Supt. Ernesto Tendero, Hepe ng MPD-Station 1 na, dakong alas-7 ng gabi nang isi­nagawa ang pagbebenta ng suspek sa di nakila­lang “buyer” sa loob ng isang fast food chain sa harapan ng Sto. Niño Church sa Tondo.

Bago maganap ang in­sidente, nag-away uma­­no sina Ardolfo at Victoria makaraang nag­selos umano ang una sa huli sa sarili nitong ka­patid na si Arturo nang nakitang magkapatong ang tsinelas ni Victoria at Arturo.

Dahil sa matinding sama ng loob, umalis ng bahay si Ardolfo at umuwi lamang ito noong Sa­bado subalit hindi na niya naabutan ang kanilang anak.

Nang komprontahin ni Ardolfo si Victoria ay ina­min nito na ibinenta nito ang bata sa tulong ng isang Dra. Erlin subalit nang nasa presinto na ito ay sinabing ipinaampon lamang ito.

Ipapatawag ng pulisya si Dra. Erlin upang mag­bigay liwanag sa insi­dente na siya ring susi upang maibalik ang bata.

ARDOLFO

ARDOLFO PERMEJO

ARTURO

CALOOCAN CITY

DRA

ERLIN

ERNESTO TENDERO

HERBOSA ST.

KAWAL PUROK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with