^

Metro

P12-M puslit na manok nasabat

-

MANILA, Philippines - Nasabat ng mga ta­uhan ng Bureau of Cus­toms (BOC) ang tinata­yang P12 milyong halaga ng mga smuggled na manok sa Manila Inter­national Con­tainer Port (MICP) sa Maynila.

Sinabi ni Customs Com­­missioner Na­poleon Morales, lulan ng apat na container van ang natu­rang mga manok at naka­takda na sanang ipakalat sa mga pamilihan sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Nabatid na galing sa China at Hong-Kong nasabing mga kontra­bando kung saan idinek­lara ang mga ito sa Cus­toms bilang mga sangkap sa pagkain o food ingre­dients na naka-consigne sa Rich World Logistics Inc. Subalit nang inspek­syu­nin ang van ay nadis­kubre na naglalaman ang mga ito ng may 73,000 kgs ng mga choice cuts chicken parts.

Nilinaw naman ni Mo­rales na naki­kipag-ugna­yan na sila sa Department of Agriculture (DA) upang masuri ang nasabing mga manok kung konta­minado ng sakit ang nasabat ng mga manok at kung hindi makakasama sa kalusu­gan ng mga taong maka­ka­kain nito. (Gemma Amargo-Garcia)

BUREAU OF CUS

CUSTOMS COM

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

GEMMA AMARGO-GARCIA

HONG-KONG

MANILA INTER

METRO MANILA

RICH WORLD LOGISTICS INC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with