Lolo pisak sa trak

MANILA, Philippines - Pisak ang katawan ng isang lolo habang su­ga­tan ang isa pang lalaki maka­raang araruhin ang mga ito ng isang trak ka­hapon sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang bik­timang si Jose “Pe­pito” Antonio, 65, may-asawa, cigarette vendor ng Lot-2,Blk-35,Phase-2,Purok-19 Lupang Pa­ngako, Pa­yatas-B Que­zon City.

Patuloy namang naka confine sa East Avenue Medical Center (EAMC) si Vicente Omana, 39, auto electrician at resi­dente ng #96 ROTC Hunters Brgy. Tatalon Q.C.

Agad namang na­aresto ang suspek na si Mario Custodio, 52 , driver ng Purok-V, Litex Rd. Brgy. Common­wealth, QC.

Base sa ulat ng Que­zon City Police District (QCPD) Traffic Sector-1 naganap ang insidente ban­dang alas- 9 ng gabi sa tapat ng Edna’s Me­mories KTV Bar malapit sa kanto ng Victory St., Quezon Ave., QC.

Sinasabing minama­neho ng suspek ang isang Isuzu Forward Wing Van Truck (RFJ-665) na naka­rehistro sa Tin-Tin Motor Works nang biglang tuma­wid ang dalawang biktima dahilan para masuwag ang mga ito. Dala ng takot na ma­bug­bog ng taumbayan, tumakas ang suspek gayun­man na­habol naman siya ng mga elemento ng QCPD Mobile Patrol.

Sasampahan ng ka­song reckless impru­dence resulting to homi­cide at physical injury ang suspek. (Angie dela Cruz)

Show comments