Call center agent todas sa trailer truck

MANILA, Philippines - Patay ang isang em­ple­yada ng call center makaraang mahagip ito ng rumaragasang trailer truck, kahapon ng ma­da­ling-araw sa Para­ñaque City.

Nasawi noon din sa pinangyarihan ng insi­dente ang biktimang si Ragielyn Degala, 22, call center agent ng Tele-Performance Company sanhi ng matinding pinsala sa ulo at kata­wan na tinamo nito.

Batay sa ulat, da­kong alas-3:30 ng ma­daling-araw nang mang­yari ang nasabing insi­dente sa kahabaan ng Sucat Road, A. Santos Avenue nang biglang mahagip ang bik­tima ng rumaragasang service trailer truck ng Air21 Freight Company na may plakang RHK-248.

Bunga ng malakas na impact sa pagka­kabangga sa biktima ay agad na tumilapon ito ng ilang metro dahilan upang ma­basag ang bungo nito at magka­lasug-lasog ang   kata­wan na naging sanhi ng agaran nitong kama­tayan.

Nabatid na bago ang madugong aksidente, break-time nang tuma­wid ang biktima sa kabilang kalye upang kumain sa isang canteen pabalik na ito nang mahagip ng trailer.

Agad namang su­muko sa pulisya ang driver ng nasabing truck na si Ni­canor Ebona Jr. na naha­harap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Rose Ta­mayo-Tesoro)

Show comments