P33 rollback sa kada tangke ng LPG
MANILA, Philippines - Tatlong piso sa kada kilo o kabuuang P33 sa kada tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) ang iro-rollback ng LPG Marketers Association (LPGMA) simula ngayong araw na ito ng Sabado.
Ayon kay LPGMA President Arnel Ty, sinabi nito na ang kanilang ikinasang rollback ay bunga na rin ng panunumbalik na sa normal ng supply ng LPG sa bansa.
Bukod pa rito, nasa $58 na rin aniya ibinaba ng presyo ng naturang produkto sa world market.
Bunsod naman ng naturang rollback, nasa halos P500 na lamang ang magiging presyuhan sa kada-tangke ngayon ng LPG na mabibili sa mga independent players partikular na ang supply mula sa LPGMA. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending