^

Metro

Kasambahay tinodas ng houseboy

-

MANILA, Philippines - Isang kasambahay ang nasawi habang nasa kritikal namang kondisyon ang anak nitong dalagita makaraang pagtatagain ang mga ito ng kanilang kasamahang houseboy matapos magtalo sa kani-kanilang trabaho kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa FEU Hospital sanhi ng tinamong mga taga sa katawan ang biktimang si Marlyn Caliz, 49, habang inoobserbahan na­man ang anak nitong si Purificacion 15, na nag­tamo rin ng maraming taga. Ang mag-ina ay kapwa stay-in-housemaid sa 4 Balite Street, Amparo Subdivision, Brgy. 179 ng nabanggit na lungsod.

Nakakulong naman sa Caloocan City Police ang suspek na si Ferdinand Moncada, 19, binata at kasamahan sa trabaho ng mga biktima sa nabanggit na tirahan.

Sa ulat ni PO2 Reynaldo A. Placido, may hawak ng kaso, bandang alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay na kanilang pinaglilingkuran sa naturang lugar.

Nabatid na bago naganap ang insidente ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng matandang biktima at suspek hinggil umano sa kanilang trabaho bilang mga katulong.

Nang sumapit ang gabi habang ang suspek ay nasa impluwensiya ng alak ay hinanap nito ang matandang katulong at nang makita nito ay agad na pinagtataga ng jungle bolo sa iba’t-ibang parte ng katawan, tinangka naman itong awatin ng batang Caliz subalit maging siya ay pinag­tatataga rin sa katawan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AMPARO SUBDIVISION

BALITE STREET

BRGY

CALIZ

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

FERDINAND MONCADA

LORDETH BONILLA

MARLYN CALIZ

REYNALDO A

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with