^

Metro

P14-milyon puslit na chargers at lighters nasabat ng Customs

-

MANILA, Philippines - Tinatayang P14 milyon ha­laga ng mga smuggled cell­phone chargers at lighters ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) kahapon sa Port of Manila.

Ang nasabing mga karga­mento ay nakalagay sa dala­wang magkahiwalay na con­tainer van buhat sa bansang China.

Ayon kay Deputy Commis­sioner Reynaldo Umali,ang naunang kargamento ay nagla­laman ng Lighters na tinatayang P10,266,507 na naka-consign sa Sea Dragon Trading kung saan nauna itong idineklara bilang 1190 karton ng hair elas­tic Nebulizer at Sponge Plunger.

Samantalang ang ikala­wang kargamento ay idineklara bilang mga Rack Stand, Filing cabinet, Papery trays at Battery charger, battery at packaging materials na nagkakahalaga ng P3,677,675 na naka-consign naman sa Echolane Inter­national Trading.

Sinabi naman ni Commis­sioner Napoleon Morales na ang nasabing operasyon ay ka­ugnay pa rin sa kanilang pro­gra­ma na Run after the Smugglers (RATS).

Inatasan na rin ni Morales ang malalim na imbestigasyon upang masampahan ng kasong kriminal at administratibo kung sino ang mga empleyado at opis­yal na sangkot sa smuggling sa BOC. (Gemma Amargo-Garcia)

BUREAU OF CUSTOMS

DEPUTY COMMIS

DRAGON TRADING

ECHOLANE INTER

GEMMA AMARGO-GARCIA

NAPOLEON MORALES

PORT OF MANILA

RACK STAND

REYNALDO UMALI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with