^

Metro

30-40 taon kulong sa 3 kidnap for ransom

-

MANILA, Philippines - Reclusion perpetua ang hatol ng Marikina Regional Trial Court sa tatlong kalalakihan na sangkot sa kasong kidnap for ransom sa isang negosyanteng Tsinoy at sekretarya nito 11 taon na ang nakakalipas.

Base sa 51 pahinang desisyong ipinalabas ni Judge Felix Reyes, MTRC branch 272, napatu­nayang nagkasala sa kasong pagdukot ang mga akusadong sina Roberto Lara, Roderick Licayan at Rogelio de los Reyes at nahatulan ng reclusion perpetua o may katumbas na 30-40 taong pagka­ka­bilanggo.

Bukod dito, pinagbabayad din ng korte ang mga akusado ng tig-P50,000 sa mga biktimang sina Joseph Tomas Co at sekretaryang si Linda Manaysay na dinukot noong Agosto 10, 1998 sa may Sampaloc, Manila at dinala sa Brgy. Parang Marikina City.

Humingi ang mga dumukot ng P10-million ransom, ngunit nabigo ang mga ito matapos tumangging magbigay ang mga kaanak ng mga biktima.

Ayon sa rekord ng korte, sina Lara at Licayan ay nauna nang hinatulan ng korte noong 1998 ng death penalty, ngunit umapela ang public attorney’s office (PAO)sa pangunguna ni Atty. Persida Acosta sa Korte Suprema.

Taong 2004 ay napagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ng PAO at iniutos na ibalik ang pagdinig sa Marikina RTC makaraang maaresto si Delos Reyes na nagpapatunay na wala umanong kinalaman ang dalawa sa na­sabing pagdukot. Subalit, makaraan ang ma­susing pagsusuri ng hukuman, muling napatu­nayang nagkasala ang nasabing mga akusado kung kaya naibaba ang nasabing hatol.

Patuloy naman ang pagtanggi ng mga aku­sado sa nasabing pagdukot dahil wala daw silang kasalanan kaugnay dito.

Samantala, ang PAO naman na nag-aakalang mapapalaya nila ang dalawa ay aapela naman sa Court of Appeals, pero masaya na rin daw sila dahil hindi bitay ang naging hatol sa mga ito.

Naninindigan ang PAO na inosente ang akusado kung kaya kailangang mapalaya ang mga ito. (Ricky Tulipat)

COURT OF APPEALS

DELOS REYES

JOSEPH TOMAS CO

JUDGE FELIX REYES

KORTE SUPREMA

LINDA MANAYSAY

MARIKINA REGIONAL TRIAL COURT

PARANG MARIKINA CITY

PERSIDA ACOSTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with