Sa mga pampasaherong jeep, P.50 rollback sa pasahe simula sa Lunes
MANILA, Philippines - Simula sa darating na araw ng Lunes, bababa sa P7.00 ang minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila.
Ito ay makaraang ianunsyo ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Alberto Suansing ang 50 cents na bawas sa kasalukuyang P7.50 minimum fare sa Malakanyang kasama ang mga lider ng iba’t ibang transport groups tulad ng Pasang Masda, Fejodap, Acto, Altodap at iba pang hanay ng transportasyon.
Sa isang panayam, sinabi ni Obet Martin, National President ng Pasang Masda, pabor sila sa pagbabawas na ito sa pasahe dahil ito naman anila ang matagal na nilang ipinaglalaban at ang pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo.
Ngayong mababa na anya ang pasahe sa jeep, kailangan naman anyang bumaba na ulit ang halaga ng produktong petrolyo dahil patuloy naman ang pagbaba ng halaga nito sa world market.
Ngayong umaga, pormal na ihahayag ni Suansing sa LTFRB ang usapin sa fare rollback bagamat nauna na itong ianunsiyo sa Malakanyang.
Inaasahan naman ng ilan na bumaba na rin ang pasahe sa mga pampasaherong bus dahil sa magaganap na fare rollback sa mga passenger jeepney.
- Latest
- Trending