P10-bilyong North Harbor project, pinabubusisi
Hiniling kahapon ng grupong Philippine Association of Migrant Workers and Advocate (PAMWA) sa kongreso at senado na imbestigahan ang umano’y maanomalyang bidding ng 10-bilyong North Harbor Modernization Project.
Sa isang pulong balitaan sa Maynila, sinabi ni Engr. Nelson Ramirez, tagapagsalita PAMWA, na isinusulong nila ang kakaiba ngunit epektibong pamamaraan para isa-pribado ang pinakamalaking domestic port ng bansa.
Aniya, hindi dapat pabayaan ng gobyerno na mapunta ang pamamahala ng North Harbor sa maling kamay tulad ni Rehgis Romero ng R-II Builders dahil wala naman umano itong kakayahan para i-modernized ang North Harbor.
Sinabi ni Ramirez, na siya ring presidente ng Uni ted Filipino Seaferers (UFS), na ang Philippine Ports Authority (PPA) ang may pinaka-angkop na kakayahan para gawing moderno ang North Harbor batay na rin sa malawak na karanasan sa port development at management sa bansa.
Iminungkahi rin ng PAMWA na kung gusto talaga ng gobyerno na isulong ang pagsasapribado sa North Harbor ay dapat sa pamamagitan ng Initial Public Offering sa Stock Exchange. (Mer Layson)
- Latest
- Trending