Isang 16-anyos na graduating sa high school ang ginahasa umano ng kaniyang textmate matapos ang pakikipag-”eye-ball’, sa Sampaloc, Manila, iniulat kahapon.
Arestado ang suspect na si Jim Siuason, alyas “Justin”, 24, may-asawa, vendor , ng Del Carmen St., Quiapo, Maynila na itinuro ng biktimang itinago sa pangalang “Charmaine”.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:00 kamakalawa ng hapon nang maganap ang panghahalay sa biktima sa bahay na malapit sa tirahan ng suspect, na matatagpuan sa 1769 Basilio St., Sampaloc, Manila.
Nabatid na naging textmate ng biktima ang suspect at niligawan siya sa pamamagitan lamang ng text messaging.
Kamakalawa, nagyaya umano ang mga kaibigan ng biktima na maglakwatsa o gumimik kaya naisip ng biktima na magtungo na lamang sa bahay ng isa pang kaibigan na lalaki, na nakilalang si “Richard”, sa Basilio St. , Sampaloc.
Nang nasa bahay na ni Richard ay dumating din ang suspect na malapit doon nakatira at doon nag-inuman at nagkuwentuhan.
Nang makainom na ang biktima ay pumunta ito sa comfort room at sinundan umano ng suspect at hinila paakyat sa ika-3 palapag ng nasabing tahanan.
Sa kabila umano ng pagpupumiglas ay nagawa siyang buhatin at ibalibag umano sa kama ng suspect sa ika-3 palapag, anang biktima. Nanlaban umano siya subalit sinuntok umano siya sa tiyan ng suspect at hinubaran ng panty. May hawak din umanong kutsilyo ang suspect at sumunod na lamang siya sa utos na hawakan ang ari ng suspect at ipasok sa kaniyang kaselanan.
Nang muli umano siyang pumalag ay sinuntok siya muli sa tiyan hanggang sa mailugso na ang kaniyang puri at tinakpan umano ng mahigpit ang kaniyang bibig upang hindi marinig ang kaniyang pagsigaw ng mga kasamahang nasa ibaba.
Nang makaraos umano ang suspect ay umalis na ito kaya nagsumbong naman sa pulisya ang biktima kasama ang mga kaibigan, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspect.