Janitor nahulog, patay

MANILA, Philippines - Lasog ang katawan ng isang janitor nang mahulog ito mula sa ikaanim na palapag ng nililinis nitong mezzanine ng isang gusali kamakalawa ng hapon sa Makati City.   

Patay na nang maisugod sa Makati Medical Center bunga ng matinding pinsala sa katawan at pagkabasag ng bungo ang biktimang si Dennis Llemos, 26, may-asawa at resi­dente ng Talintino-Rodriguez St., Las Piñas City.  

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Dominador Robles, may hawak ng kaso, dakong alas-3:40 kamakalawa ng hapon, naglilinis ang biktima sa mezzanine area ng Mead Johnson building sa Don Chino Roses Avenue, Barangay Magallanes, Makati City nang bigla itong tuloy-tuloy na nahulog at lumagapak sa sementadong bangketa. 

Lumalabas sa imbestigasyon ng puisya na ang biktima ay abala sa paglilinis sa gilid ng mezzanine nang bigla itong nadulas at nawalan ng balanse. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments