^

Metro

Suicide o aksidente: Pagkamatay ng kusinero sa Star Flyer binubusisi

-

MANILA, Philippines - Hindi kumbinsido ang pamilya ng isang 39-anyos na kusinero na pagpapa­kamatay ang dahilan ng pagkakahulog nito mula sa star flyer ng Star City Carnival sa Cultural Center complex sa Pasay City kama­kalawa ng hapon.

Batay sa follow-up investigation ni Chief Inspector Joey Goffort, Deputy Chief ng Station Investigation & Detective Management Section, ang biktima ay kinilala ng kanyang pamilya na si Carmelito Peña, 39, Tapsi­lugan cook, sa Harrison Plaza Mall at residente ng Binangonan, Rizal.

Ang biktima ay namatay habang nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital bunga ng pagkakabali ng kanyang tadyang, pagkaka­wasak ng mukha at pagka­ka­basag ng bungo nito.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng pulisya na ang insidente ay naganap dakong alas-3:10 ng hapon makaraang sumakay ang biktima sa star flyer upang masubukan umano ang thrill sa pagsakay sa naturang ride.

Ayon naman kina Cathe­rine Veaga, ticket seller, at Jay Ilagan, Star Games attendant, bagama’t ikalimang rider ang biktima ay sa unahan ito ng naturang ride umupo.

Makalipas ang ilang minuto, habang umiindayog papaikot nang pabaligtad ang star flyer, bigla na la­mang nahulog at bumulusok ang biktima sa lupa mula sa 30 talampakan ng kinauu­puan nito.

Ayon naman sa ticket checker na si Joan Gubat, bago sumakay ang biktima, nagtanong pa umano ito na kung sakaling sasakay siya sa star flyer ay posible ba siyang mamamatay.

Habang inilalagay na­man sa kaayusan ang mga guest riders, napuna umano ni Gubat na palinga-linga ang biktima, balisa at hindi mapalagay.

Malaki naman aniya ang hinala ni Gubat na nagpaka­matay ang biktima at kusang inalis nito ang safety belt na nakakabit sa katawan upang magpatihulog mula sa na­turang sasakyan.

Ngunit lumilitaw sa hi­walay na isinagawang im­bestigasyon ng pamunuan ng Star City sa star flyer na intact ang seatbelt ng inuu­puan ng biktima kaya hindi malaman kung paano na­hulog ang biktima.

Sa ginawa namang pag­susuri ng awtoridad, nawa­wala ang safety belt sa kinauupuan ng biktima kung saan posible umano itong nakalas na naging dahilan ng pagkakahulog ng biktima na nagresulta sa pagka­matay nito.

Ayon naman kay Jose­pina Cison, panganay na kapatid ng biktima, hindi siya naniniwala na nagpaka­matay ang kanyang kapatid dahil masayahin, palabiro at pala-tawa ito.

Samantala, nilinaw na­man ni Ed De Leon, head ng Public Information Office ng Star City, na walang anu­mang mechanical o human trouble sa nangyaring aksi­dente at computer controlled rin ang safety belt ng star flyer.

Iginiit ni De Leon na po­sible umanong sadyang nagpadulas sa inuupuan ang biktima kaya nahulog ito dahil wala namang anu­mang nakitang sira sa makina ng sinakyan nitong star flyer.

Sa kasalukuyan, nagsa­sa­gawa pa ng malalim na imbestigasyon ang awto­ridad kung may naganap na kapabayaan ang pamunuan ng Star City sa mga gina­gamit sa sasakyan sa loob ng carnival.

Hiniling din ng awtoridad kay City Eng. Edwin Java­luyas na magsagawa ng imbestigasyon kung nag­karoon ng technical at mechanical problem ang star flyer.

Ayon kay Chief Insp. Goffort, kapag napatunayan na nagkaroon ng kapaba­yaan ang management ng Star City, irerekomenda nila na maipasara ang star flyer at sasampahan ang pamu­nuan nito ng kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

BIKTIMA

CARMELITO PE

CHIEF INSP

CHIEF INSPECTOR JOEY GOFFORT

CITY

FLYER

SHY

STAR

STAR CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with