^

Metro

Mag-iina todas sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Magkakayakap pa nang matagpuan ang mga bang­kay ng isang mag-iina ma­karaang matusta ang mga ito sa isang sunog na luma­mon sa tatlong bahay sa Commonwealth, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Emmy Ambrosio Cabilino, 45-anyos; mga anak nitong sina Shawell, 24; at Carlo, 19 anyos, pa­wang mga naninirahan sa # 190 Don Damaso ext., Don Antonio heights, Barangay Holy Spirit sa naturang lunsod.

Isinugod naman sa Philippine National Red Cross-Quezon City ang iba pang mga sugatang kapamilya ng mga ito na sina Durano Ca­bilino, 49; asawang si Jing Cabilino at mga kaanak na sina Ricamae, 2; John Ray, 11; Regine, 12; at Jeric, 3-anyos. Nakaligtas naman ma­tapos na makalabas ng nagliliyab na bahay si Cindy Cabilino, 19 anyos.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Quezon City, dakong alas-5:57 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa naturang lugar na mabilis na kumalat sa bahay ng pa­milya Cabilino at sa dalawa pang kapitbahay.

Tumagal nang halos isang oras ang pakikipag­laban ng mga bumbero bago tuluyang naapula ang apoy dakong alas-6:45 ng umaga. Natagpuan naman ang bangkay ng mag-iinang Cabilino sa loob ng banyo ng kanilang bahay.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, lumalabas na ilegal na jumper sa kuryente ang dahilan ng naturang sunog matapos na sumiklab dahil sa “overloading”. Ikinabit uma­no ang jumper sa ding­ding ng sala ng bahay kung kaya naging mabilis ang pagkalat ng apoy.

Nanawagan naman ang BFP sa publiko lalo na sa mga naninirahan sa mga “squatters area” na tigilan na ang paggamit ng iligal na jumper para makalibre sa kuryente dahil sa mas ma­laki ang magiging sukli nito tulad ng pagkawala ng buhay at ng kanilang mga ari-arian.

BARANGAY HOLY SPIRIT

BUREAU OF FIRE PROTECTION-QUEZON CITY

CABILINO

CINDY CABILINO

DON ANTONIO

DON DAMASO

DURANO CA

EMMY AMBROSIO CABILINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with