^

Metro

133 OFWs biktima ng illegal recruiters nasabat ng BI

-

MANILA, Philippines - May 133 Overseas Filipino Workers (OFWs) na umanoy biktima ng illegal recruiters na nagtangkang lumabas ng bansa ang naharang ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Dios­dado Macapagal International Airport (DMIA).

Ayon kay BI Commissioner Marce­lino Libanan, ang nasabing bilang ng mga pasahero ay nasabat mula Peb­rero 1 hanggang 9 at inaasahan pa rin umanong tataas sa mga susunod na araw.

Idinagdag pa nito na ang 133 mga pasahero ay inilagay na rin nila sa watch­list bilang bahagi ng kanilang standard operating procedure na ka­nilang sinimulan ang kampanya noong nakaraang taon laban sa mga illegal recruitment at human trafficking.

Muling iginiit ni Libanan ang kanyang babala sa OFW na gustong magtrabaho sa ibang bansa na dumaan sa tamang proseso sa pamamagitan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa halip na makipag transak­syon sa mga illegal recruiters.

Nilinaw naman ni Libanan na wala ring mangyayari para sa mga tourist workers na lumabas ng bansa sa pama­magitan ng DMIA at iba pang paliparan dahil sa mahigpit na monitoring ng BI na ipinatutupad din sa Ninoy Aquino Inter­­national Airport (NAIA).

Sinimulan ang paghihigpit ng BI sa DMIA noong nakaraang taon dahil sa mga ulat na ginagamit ang nasabing paliparan ng mga illegal recruiters na nag-ooperate sa NAIA .

Base sa ulat na isinumite ni DMIA- BI operations Chief Heranio Manalo, karamihan umano sa mga undocu­mented OFWs ay patungo sa Malaysia at Singapore na siyang nasabat noong unang siyam na araw ng Pebrero. (Gemma Amargo-Garcia)

BUREAU OF IMMIGRATION

CHIEF HERANIO MANALO

COMMISSIONER MARCE

GEMMA AMARGO-GARCIA

LIBANAN

MACAPAGAL INTERNATIONAL AIRPORT

NINOY AQUINO INTER

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with