^

Metro

Police marshals ikakalat ngayong Valentine

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagpakalat na rin kaha­pon ng police marshals ang Na­tional Capital Region Po­lice Office (NCRPO) sa mga bus at tren ng Light Rail Tran­sit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) stations upang tiyakin na hindi na mauulit pa ang madugong Valentine’s Day bombing noong 2005 sa Metro Manila.

Sinabi ni NCRPO chief Director Leopoldo Bataoil na ang nasabing mga ‘police marshals’ ay siyang bubuo sa inilatag nilang checkpoints sa mga pangunahing lugar at mga pasilidad sa kalunsuran.

Ayon kay Bataoil, magka-tandem na sasakay sa mga pampasaherong bus at light rail system ang mga ‘police marshals’ upang tiyakin ang ka­­ ligtasan ng mga com­muters.

Nauna nang umalerto ang NCRPO kaugnay ng posib­leng pagsasamantala umano ng mga teroristang grupo upang mapigilan ang panana­bo­tahe ng mga ito sa pag­gunita sa Araw ng mga Puso.

Kasabay nito ay namud­mod rin ng mga bulaklak ang mga pulis sa mga pasaherong babae sa MRT station sa Shaw Boulevard sa kahabaan ng Edsa at iba pang lugar bilang pakikiisa sa mga mag­sing-irog na nagdiriwang ng kanilang pagmamahalan.

Samantalang bantay sarado rin sa pinalakas na police visibility operations ang mga lugar na pasyalan, gayun­din ang mga daungan at pantalan.

Ayon pa sa NCRPO Chief, nagdagdag rin sila ng ipina­kalat na mga tauhan sa mga terminal ng bus at iba pang matataong lugar na dinarayo ng mga lovers.

Magugunita na isinailalim ni Bataoil ang NCRPO sa full alert status hanggang sa pagta­tapos ng linggong ito upang maiwasan na maulit pa ang madugong pambobomba sa isang pampasaherong bus na bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa na kagagawan ng mga pinaghihinalaang tero­rista noong Pebrero 14, 2005 na kumitil ng buhay ng 3 katao habang 20 pa ang naitalang sugatan sa Makati City.

AYON

BATAOIL

CAPITAL REGION PO

DIRECTOR LEOPOLDO BATAOIL

EDSA

LIGHT RAIL TRAN

MAKATI CITY

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with