^

Metro

Driver todas sa inuman

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang tricycle driver makaraang basta na lamang barilin ng isang hindi nakilalang suspek sa gitna ng isang inuman, kamakalawa ng gabi sa Batasan Hills, Quezon City.

Nasawi habang ginagamot sa FEU Hospital ang biktimang nakilalang si Peter Cofiado, 30, ng Dama de Noche St., Brgy. Payatas-B, ng naturang lungsod.        

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagka­kakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas makaraan ang krimen.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District-Homicide Section, dakong alas-11 kamakalawa ng gabi nang maganap ang krimen sa pakikipag-inuman ng biktima sa IBP Road, Brgy. Batasan Hills.

Sa gitna ng inuman, bigla na lamang sumulpot ang suspek na agad na pinagbabaril ang biktima nang malapitan. Nagtakbuhan naman ang mga kainuman ng biktima sa takot na madamay at sinaklolohan lamang ang biktima matapos na makatakas na ang suspek.

Tikom naman ang bibig ng mga nakasaksi sa krimen sa pagkakakilanlan sa suspek ngunit patuloy pa rin ang pagta­tanong sa mga ito upang mabatid ang motibo ang pagka­kakilanlan sa suspek. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BATASAN HILLS

BRGY

DANILO GARCIA

NAGTAKBUHAN

NASAWI

NOCHE ST.

PETER COFIADO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with