^

Metro

Rollback sa pasahe posible ngayong Pebrero

-

MANILA, Philippines - Malaki ang pag-asa ng transport groups sa posibleng pagkakaroon ng panibagong fare rollback ngayong buwan ng Pebrero sa mga pampa­saherong jeep.

Sinabi ni Efren de Luna, pangulo ng Alliance of Con­cerned Transport Organiza­tions (ACTO) na hihilingin nito at ng iba pang transport groups sa Land Transpor­tation Franchising and Re­gulatory Board (LTFRB) na tang­gapin ang ihahaing roll­back sa pasahe sa mga pam­pasaherong jeep sa bansa.

Ipinaliwanag ni De Luna dahil sa pagbaba ng halaga ng diesel sa P25.00 kada litro kung kaya’t ito ang nagtulak sa kanila na ibalik ito sa mga commuters.

“Ang rollback ng pasahe ay ngayong February at ipa­pa­tupad dahil sa bumaba ang halaga ng presyo ng krudo sa P25 at bilang pangako sa mananakay na pag bumaba sa nabanggit na halaga ay ma­­nanawagan kami sa LTFRB na kami ay magbaba­ba ng pasahe ng P.50,” pa­liwa­nag pa ni De Luna.

Sa sandaling aprubahan ng LTFRB ang nasabing roll­back sa pasahe ay magiging P7.00 na lamang ang mini­mum fare. Ngayon ay P7.50 ang minimum na pasahe.

Una nito, sinabi ng militan­teng transport group na Pi­nag­kaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nation­wide (Piston), na kung magka­karoon ng substantial rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa unang linggo ng Pebrero ay ipatutupad ng mga ito ang “Valentine fare roll­back” sa pasahe.  

Sa panig naman ni LTFRB chairman Alberto Suansing, karagdagang programa para sa kapakanan ng transport sector at commuters ang uunahing ipatutupad nito.

Ngayong buwan anya, pra­yoridad na aksyunan ng ahen­ siya ang usapin tungkol sa fare rollback sa mga pas­senger jeepney at ang pag­busisi sa iba pang petisyon sa pasahe sa mga pampasa­herong sa­sakyan. (Angie dela Cruz)

ALBERTO SUANSING

ALLIANCE OF CON

DE LUNA

FRANCHISING AND RE

LAND TRANSPOR

OPEREYTOR NATION

PASAHE

PEBRERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with