^

Metro

Publiko pinag-iingat, expired na mga gamot ikinakalat sa mga botika

-

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Manila Police District (MPD) sa publiko na mag-ingat sa mga nabibiling gamot sa iba’t ibang karamda­man matapos madakip ang isa sa miyembro ng sindikato at ma­kumpiska dito ang mahigit kalahating milyong piso na ha­laga ng mga gamot, na ‘tam­pered’ ang expiration dates para ibenta sa Metro Manila at iba’t ibang lalawigan.

Sa ginawang pagsalakay ng mga tauhan ni MPD-District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) chief, Audie Madri­ deo, nadakip ang suspect na si Romulo Quiñonez, alyas “Mu­long”, 56, ng Tayuman St., Sta. Cruz, Manila, habang pi­nag­ha­ha­ nap pa ang isang Ruben Mallari, sinasabing ‘utak’ ng sindikato.

Ayon kay PO2 Manuel Pi­mentel ng MPD-DPIOU, ma­tagal niyang sinubaybayan ang kahina-hinalang transaksiyon sa bahay ni Quiñonez at na­kum­­pirma ito sa pamamagitan ng buy-bust operation. Natukla­san ang iligal na pagta-tamper ng expired na gamot at ginawa ang pagsalakay dakong alas-5:30 ng hapon.

Naaktuhan ng pulisya ang suspect sa loob ng kanyang bahay katabi ang saku-sako at kahun-kahong mga gamot na expired. Aminado naman ang ilang kapitbahay ng biktima na nag­trabaho sila sa mga suspect bilang tagabura ng expiration dates at taga-lagay ng bagong seal upang lumabas na matagal pa ang expiration.

Ayon naman sa source na ayaw magpabanggit ng panga­lan, parukyano ng mga suspect ang mga botika malapit sa Department of Health (DOH), sa harap ng Jose Reyes Me­morial Medical Center at iba pang botika sa Makati at mga lalawi­gan tulad ng Pangasinan, Isa­bela, La Union at Nueva Ecija.

“Mahirap po talaga kasi nako-konsensiya ako. Katulad ko ring mahirap ang nabi­biktima na hirap na hirap mag­hanap ng pambili ng gamot sa pasyente nila at nagtitipid na bumili sa maliit na mga botika kaysa sa kilalang drugstore, yun pala wala ng bisa,” anang isang dating namasukan sa sindikato.

Agad namang nakipag-ugnayan si MPD Director Gene­ral Roberto Rosales sa tangga­pan ni Health Secretary Fran­cisco Duque at Bureau of Food and Drugs (BFAD) para sa ga­gawing hakbang at pagsa­sampa ng kaso laban sa naka­ka­alarmang gawaing ito ng sindikato. (Ludy Bermudo)

AUDIE MADRI

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DIRECTOR GENE

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE OPERATION UNIT

HEALTH SECRETARY FRAN

JOSE REYES ME

LA UNION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with