Lalaki natusta sa iron bed
MANILA, Philippines - Kuwarenta porsyentong nasunog ang katawan at mukha ng isang 21- anyos na lalaki nang magmistulang ihawan ang kanyang kamang bakal makaraang madikit sa live wire ng Manila Electric Company (Meralco) sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Nilalapatan ng lunas sa Mary Johnston Hospital ang nalapnos na mukha at katawan ng biktimang si Bernardo Ortinez, ng #101 Herbosa Ext., Tondo.
Nabatid na dakong alas-3 ng hapon, kamakalawa nang magpasyang ilabas ng biktima ang bakal na kama sa kanilang bubungan ng bahay para doon matulog dahil sa mainit na panahon.
Hindi sinasadya ay nadikit ang iron bed sa isang high-tension wire na nagresulta sa pagkislap at pagkakuryente nito habang inaayos ang kama na dapat sanang pagtutulugan.(Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending