^

Metro

Most wanted na holdaper, timbog matapos mag-amok

-

MANILA, Philippines - Hindi man sa pagiging hol­daper naaresto ay bumagsak na rin sa kamay ng awtoridad ang isang tinaguriang “most wanted” at kilabot na holdaper makaraang mag-amok ito sa kanilang lugar, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Bukod sa kasong multiple robbery hold-up, ang suspect na sinampahan rin ng mga kasong alarm & scandal, iligal na pagdadala ng baril at patalim ay kinilala na si Jeffrey Pilapil, alyas “Tambok”, 31, at residente ng #121 Maguinhawa St. ng nabanggit na lungsod.

Batay sa isinagawang im­bes­tigasyon ng pulisya, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maaresto ang suspect sa kanto ng Maguinhawa at FB Harrison Sts., Pasay City.

Nabatid na unang binalot ng sindak ang mga residente sa naturang lugar nang biglang maghamon ng patayan ang suspect habang iwinawagay­way ang dalang baril at itak.

Ang nasabing senaryo ay nakaagaw naman ng pansin sa mga pulis na sina SPO1 Leo­nardo Garcia, PO3 Menjursa Amil, PO2 Efren Abad at PO2 Fernand Abanto na noon ay nag­papatrulya lulan ng police car at naaktuhan ang suspect na nagwawala.

Kaagad na dinisarmahan ni PO2 Abad ang suspect at na­kuha sa pag-iingat nito ang isang itak at .38 kalibre ng baril na naglalaman ng tatlong bala.

Nang suriin naman sa gallery at record ng pulisya, luma­­labas na ang suspect ay isa sa “most wanted” at respon­sable sa limang magkakasunod na hol­dapan sa FB Harrison St. bukod pa sa iba pang lugar ng Pasay pati ng mga karatig nitong lung­sod. (Rose Tamayo-Tesoro)

EFREN ABAD

FERNAND ABANTO

HARRISON ST.

HARRISON STS

JEFFREY PILAPIL

MAGUINHAWA ST.

MENJURSA AMIL

PASAY CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with