^

Metro

15 magsasaka lumusob sa Malacañang

-

MANILA, Philippines - Pinagdadampot ng mga awtoridad ang labinlimang mag­sasaka na kinabibilangan ng apat na babae, nang mag­tangkang pumasok sa loob ng Palasyo ng Malacañang upang doon magsa­gawa ng kilos- protesta, ka­hapon ng umaga.

Isinailalim muna sa me­dical check-up sa Ospital ng Maynila (OSMA) ang mga dinampot na magsasaka makaraang maka­iri­ngan at maka­sagupa ang gru­po ng mga awtoridad. Nakilala ang mga ilan sa dinampot na sina Jose Rodito Torres, Romeo Pidoy, Edelyn Paclibar, Dorita Vargas, Irene Celis, Gerry Cahilig, Jimmy Mameng, Rey­mundo Garay at pitong iba pang di nabanggit ang mga pangalan.

Sa ulat, dakong alas-10 ng umaga kahapon nang arestu­hin ang mga magsasaka na pawang kabilang sa komu­kon­dena sa napakong pa­ngako diumano sa pagkaka­loob sa kanila ng lupa mula sa pag-aari nina First Gentle­man Mike Arroyo at tiyuhin nitong si An­tonio Arroyo sa Hacienda Bacan, Hacienda Paraiso at Hacienda Grande.

Isinisigaw ng grupo ang hindi pagpapatupad ng exten­sion ng Comprehensive Agra­rian Reform Program (CARP) upang sa kanila maipamahagi ang lupaing pag-aari ng pamilya ng Unang Ginoo.

Halos nagtamo ng mga ga­los sa katawan ang mga na­ares­tong raliyista nang pwersa­hang pasukin ang Aguado at J.P. Laurel sts., sa may gate ma­lapit sa New Executive Building ng Mala­kanyang habang may dala-dalang mga placards.

Nakatakdang sampahan ng kasong Alarm and Scan­dal at Illegal Assembly ang mga rali­yista na nakadetine sa Manila Police District-General Assign­ment Section dahil sa panggu­gulo at pagtitipun-tipon ng walang permit, bukod pa sa ipi­nagbabawal din ang magdaos ng rally sa harap at tabi ng Malakanyang. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALARM AND SCAN

COMPREHENSIVE AGRA

DORITA VARGAS

EDELYN PACLIBAR

FIRST GENTLE

GERRY CAHILIG

HACIENDA BACAN

HACIENDA GRANDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with