^

Metro

Tulong ng travel agencies vs human smuggling, giit ng Bureau of Immigration

-

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Mar­celino Libanan ang mga travel agencies na maging maingat sa pagbebenta ng airline ticket sa mga pinagdududahang biktima ng human traffickers at illegal recruiters.

Sa isang diyalogo noong nakaraang linggo sa mga opisyal at miyembro ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA), hiningi ni Libanan ang kanilang suporta sa kampanya ng BI laban sa illegal recruitment at human trafficking.

Ipinanukala ni Libanan sa mga travel agencies na maging mapagbantay at gumawa ng profile ng paalis na pasahero bago sila pagbilhan ng airline ticket.

“If you suspect that the passenger is not a legitimate tourist but a potential victim of illegal recruitment, don’t sell them a plane ticket,” wika ng BI chief sa mga opisyal ng PTAA sa pangunguna ng kanilang chairperson na si Pat Alberto.

Sinabi ni Libanan na malaki ang papel na ginagampanan ng mga travel agencies dahil sila ang nagbibigay ng first base sa posibleng biktima ng human trafficking sa pamamagitan ng pagbebenta sa kanila ng plane ticket papunta sa bansa na kanilang patutunguhan.

Ginawa ni Libanan ang pakiusap sa mga travel agencies nang mapansin niya ang pagdami ng tangka ng human trafficking syndicate na magpuslit ng hindi dokumentadong overseas Filipino workers (OFWs).

Noong nakaraang linggo lang, mahigit 50 OFWs ang pinigil makaalis ng mga immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kawalan ng kinakailangang employment permit at clearance mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Maraming “tourist” workers din ang pinigil, hindi lang sa NAIA, kundi pati na rin sa Diosdado Macapagal International Airport sa Pampanga.

“We are urging the PTAA to help the government in its campaign against travel fraud syndicates by scrutinizing first your prospective clients,” dagdag pa ni Libanan

Ayon kay Atty. Floro Balato, BI spokesman, napagkasunduan sa diyalogo na magbibigay ng training ang BI sa mga empleyado ng travel agencies sa pagsilip ng depektibong travel documents, tulad ng pekeng passport at visas, at bigyan sila ng listahan ng personalidad na sangkot sa human trafficking. (Ludy Bermudo)

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MAR

DIOSDADO MACAPAGAL INTERNATIONAL AIRPORT

FLORO BALATO

LIBANAN

LUDY BERMUDO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PAT ALBERTO

TRAVEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with