^

Metro

LPG sumabog: 3 katao sugatan

-

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang malubhang nasugatan nang sumabog ang isang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) makaraang tumagas ang gas nito habang nagluluto ang isang ginang sa lungsod ng Marikina bago magtanghali kahapon.

Ang mga biktima na nagtamo ng 2nd at 3rd degree burns ay kinilalang sina Rolando Soriano, 64; Mona Corada, 18 , katulong ng una; kapwa nanu­nuluyan sa Unit 7, Molave Townhouse, Molave St., Brgy. Concepcion, sa lungsod; at isang Jesus Esquerdo, 40, karpintero. Si Soriano at Mona ay nilalapatan ngayon ng lunas sa Labor hospital; habang si Esquerdo namay ay gina­gamot sa SDS hospital sa nasabi ring lungsod.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng tanghali habang ang asawa ni Rolando na si Helen ay nagluluto ng kanilang panang­halian sa loob ng kanilang tahanan.

Bago nito, nagpapagawa umano ng kanyang unit ang pamilya Soriano at dahil kinukumpuni ni Esquerdo ang kusina ay pansamantalang tinang­gal muna ni Rolando ang regulator ng tangke para maging magaan ang pagsasa-ayos dito.

Nang magluluto na si Helen ng pagkain ay muling ibinalik ni Rolando ang regulator subalit naging maluwag ang pagkakakabit nito kung kaya tumagas ang gas mula sa tangke nito na hindi namamalayan ng una. Habang nagluluto ay pa­tuloy sa pagtaas ng volume ng gas sa kusina hanggang sa umabot ito sa apoy ng kalan at biglang sumambulat na naging dahilan upang tamaan ang tatlong nabanggit na biktima.

Samantala, masuwerte namang hindi na­damay sa pangyayari si Helen dahil sa nakaalis na ito sa kusina makaraang mag-ring ang kanilang telepono sa sala. (Ricky Tulipat)

AYON

BRGY

ESQUERDO

JESUS ESQUERDO

MOLAVE ST.

MOLAVE TOWNHOUSE

MONA CORADA

RICKY TULIPAT

ROLANDO SORIANO

SI SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with