24-anyos todas sa resbak ng kapitbahay

Isang 24-anyos na lalaki ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay nang resbakan ng kan­yang kapitbahay kamaka­lawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nasawi habang ginaga­mot sa Gat Andres Bonifacio Hos­pital ang biktimang si Gerald Bacani, ng Gate 10, Area B, Pa­rola compound dulot ng mga tina­mong mala­lalim na saksak sa katawan.

Wanted naman sa pulisya ang suspect na si Marvin Se­saldo, 20, binata, helper, dating nakaaway ng biktima.

Pinaiimbestigahan din ang mga kaibigan ng suspect na kini­lalang sina Onel Badargo, Ro­menick Ulidan at Charley Ulidan, pawang kapitbahay ng biktima, na mga nag-udyok umano kay Sesaldo na pa­tayin si Bacani.

Ayon sa report naganap ang insidente, dakong alas-8:30 ng gabi malapit sa bahay ng bik­tima. Nakainom na umano ang bik­tima mula sa bahay ng ka­patid na may ka­arawan nang umuwi ito ng bahay kasama ang ilang ka­anak nang biglang sumul­pot ang suspect na si Sesaldo at walang sabi-sabing pinag­sa­saksak ang biktima.

Sa pahayag ni Mary Grace, asawa ng biktima, noong isang linggo ay naka­away ng asawa niya si Se­saldo sa hindi na­banggit na dahilan at naayos na umano ang gusot nang mama­gitan ang kani-kanilang kaanak. Subalit nalaman uma­no ni Mary Grace na inud­yu­kan umano ng tatlo si Sesaldo na gantihan ang biktima.

Inaalam pa kung may mas malalim na motibo sa pag­patay. (Ludy Bermudo)

Show comments