1-taon moratorium sa dagdag singil sa tubig at kuryente, giit sa Quezon City

Hiniling ng Quezon City government ang isang taong moratorium sa dagdag na singil sa tubig at kuryente.

Ito ay sa harap na rin umano ng tumitinding problema sa ekonomiya ng bansa dala ng global economic crisis na nararamdaman na ngayon ng ordinaryong mamamayan.

Ipinaliwanag ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista, malaking tulong sa publiko ang magagampanan ng Me­ ralco,Maynilad at Manila Water kapag hindi muna magda­ragdag ng singil sa konsumo ang mga ito.

Nais sana ni Bautista na kapag napagbigyan ang kahilingan ay simulan itong ipatupad sa susunod na buwan ng Marso at magtatapos sa susunod na Marso ng 2010. (Angie dela Cruz)

Show comments