^

Metro

Aircon Bus nagliyab

-

Isang provincial bus ang nasunog matapos na mag-over heat ang air­condition nito kahapon ng umaga sa Taft Avenue, Maynila.

Ayon kay PO2 Fer­dinand Leyba ng Manila Police District-Station 5, dakong alas-11:30 ng umaga nang magsimu­lang masunog ang BBL Transit bus na may plate no. AVK-756 at mina­ma­neho ni Edgar Panopio.

Sinabi ng konduktor ng bus na si Melandro Romo na, bago nagka­roon ng apoy ang liku­rang bahagi ng bus, bigla na lamang huminto ang sasakyan pero nang muli itong paandarin ay bigla na lamang itong nag-apoy habang nasa tapat sila ng Philippine Wo­mens University sa Nakpil St.

Napansin ni Romo na pagkatapos na huminto sa pagtakbo ang aircon ay may kumislap sa liku­ran bahagi ng bus at pagkatapos ay may na­amoy silang parang na­su­­sunog na kable kaya kaagad siyang naalarma at pinababa ang mga pasahero.

Kaagad nakatawag ng bumbero ang mga gu­wardiya ng PWU kaya hindi tuluyang naabo ang bus samantalang wala namang nasugatan sa may 20 pasahero dito. (Gemma Amargo-Garcia)

AYON

EDGAR PANOPIO

GEMMA AMARGO-GARCIA

KAAGAD

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MELANDRO ROMO

NAKPIL ST.

PHILIPPINE WO

SHY

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with