^

Metro

Gusgusin at de-hikaw na empleyado 'ban' sa city hall

-

Noong nakaraang buwan, sinimulang man­manan ng pamahalaang-lokal ng Maynila ang mga empleyado nito sa city hall na tumatambay sa kalapit nitong shopping mall sa oras ng trabaho.

Ngayon naman, ipi­nag­babawal sa mga em­pleyado ang maging burara, gusgusin, mga lalake na me nakasabit na hikaw sa tenga, at iyong mga mukhang tero­rista dahil sa balbas at bigote. At, higit sa lahat, da­pat ay may suot na iden­tification card ha­bang nasa loob ng Manila City Hall.

Isinasaad sa circular order na ipinalabas ni City Personnel Chief at Deputy Mayor Joey Silva na sisimulan anumang araw mula ngayong Lunes ang pagbibigay ng written reprimand ang mga empleyadong gus­gu­sin, naka-uniporme ngunit hindi tama ang pagkakasuot (Barong na bukas ang lahat ng butones sa lalaki), at may bigoteng hindi nakaayos.

Ayon kay Silva, bilang isang nagtatrabaho sa premiere city ng bansa, dapat aniya ay ikarangal at ipagmalaki ito ng sinu­mang kawani ng city hall at huwag bigyan ng pa­ngit na imahe ang pama­halaang lungsod. Dito rin aniya nakukuha ang respeto ng bawat isa.

Idiniin niya na maha­laga para sa imahe ng lungsod at sa imahe ng pamunuan ni Mayor Al­fredo S. Lim na may­roong mga kawani ang pamahalaang lungsod maging sa pinakamaliit na departamento na di­sente, malinis at maayos. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

CITY PERSONNEL CHIEF

DEPUTY MAYOR JOEY SILVA

DITO

DORIS FRANCHE

IDINIIN

ISINASAAD

MANILA CITY HALL

MAYOR AL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with