Inilunsad ng pamahalaang-lungsod ng Quezon City ang isang programang magbibigay ng trabaho sa mga senior citizen o matatan dang residente ng lungsod.
Sinabi kamakailan ng City Social Services Development Department na 300 posisyon ang laan na trabaho ng tanggapan ngayong taon para sa mga senior citizen ng lungsod upang maituon ng mga ito ang kanilang oras at kaalaman sa makabuluhang bagay.
Ang naturang programa na itinatag ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte ay napili bilang isa sa mga finalist para sa 2008 Gawad Galing Pook Award.
Kasama sa mga trabaho ng mga ito ang wellness program implementors, tutors para sa public elementary at high schools, value formation workers, office volunteers at caregivers.
Bawat elderly volunteer ay bibigyan ng P3,000 monthly incentive para sa minimum na 24 oras na trabaho sa isang buwan. (Angie dela Cruz)