^

Metro

Tricycle inararo ng truck: Driver patay, 2 pasahero sugatan

-

Isang 48-anyos na tricycle driver ang namatay habang sugatan naman ang mag-inang kanyang pasahero   nang araruhin ng ten-wheeler truck na umano’y nawalan ng preno, sa Paco, Maynila, kama­kalawa ng hapon. 

Namatay noon din ang biktimang si Narciso Vas­quez, ng Cristobal St., Paco, May­nila, matapos na mapitpit ang katawan nito. 

Isinugod naman sa Manila Doctors Hospital si Rowena Barela, 42, at anak nitong si Nicolas, 8, ng Cristobal St., Paco, Maynila, na nabalian naman sa nasabing insi­dente.

Nakapiit na ang suspect na si Armiel Rito, 28, truck driver, ng Coast Wise Trucking Ser­vices at residente ng Rawis compound, Tondo.

Sa ulat ni SPO4 Mario Jorge ng Manila Traffic Bu­reau, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Cristobal St., Paco, Maynila. Sinasabi sa im­bestigasyon na nawalan ng kontrol sa preno ang ten-wheeler truck (UGB 603) na mimaneho ni Rito sa paba­bang tulay pa­tungo sa direk­siyon ng U.N. Ave., at tuluy-tuloy ito sa naka­hintong tricycle na may pasa­herong mag-ina.

Nakahinto umano ang tri­cycle dahil hindi pa makadaan at hinihintay na makapag­maniobra ang isa pang sa­sakyang Elf truck na nasa unahan nito.

Nagulungan ang tricycle at kasamang napipi ang drayber at masuwerte namang tumi­lapon na lamang ang dala­wang pasahero. Nadamay din ang anim na sasakyan ka­bilang ang dala­wang pick-up, dalawang kotse at dalawang tricycle pa na nasa unahan ng tricycle ng biktima.

Mabilis na nadakip ang sus­pect na kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide, two counts of physical injuires at damages to properties. (Ludy Bermudo)

ARMIEL RITO

COAST WISE TRUCKING SER

CRISTOBAL ST.

LUDY BERMUDO

MANILA DOCTORS HOSPITAL

MANILA TRAFFIC BU

MARIO JORGE

MAYNILA

NARCISO VAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with