Nakawan sa Army Headquarters, inside job!

Inside job!

Ito ang anggulong sini­silip ngayon ng mga awto­ridad kaugnay ng nangya­ring nakawan sa Staff-4 (Logistics ) at Finance Sec­tion Room Head­quar­ters ng Explosives and Ord­nance (EOD) Bat­talion ng Area Support Command (ASCOM) ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City   na nadiskubre nitong Martes ng umaga.

Ayon kay Army Spokes­man Lt. Col. Romeo Braw­ ner Jr., aabot sa P376,000 ang ninakaw sa vault ng nasabing tang­gapan kung saan walang nangyaring ‘force entry’.

Ang nasabing halaga ay pambayad sa sub­sis­tence allowance ng mga sundalo na kawi-with­draw lamang sa bangko.

Bunga nito, agad na ipinag-utos ni Army Chief Lt. Gen. Victor Ibrado Jr. na ‘restricted to quarters’ ang lahat ng mga opisyal na may access sa vault at may 18 AFP duty person­nel na naka-duty ng mang­yari ang insidente habang iniimbestigahan ang ka­song ito.

“They will be restricted to quarters while investiga­tions on the administrative and criminal aspect is on going,” ani Brawner sa pa­nayam kung saan nagsa­sa­gawa na rin ng hiwalay na imbesti­ gasyon ang Scene of the Crime Opera­tives (SOCO) team ng PNP.

Base sa imbestigas­yon, dakong alas -8:30 ng umaga nitong Martes ng madiskubre ni Sgt. Er­nesto Silao ang nakawan sa S-4 at Finance Section Room Headquarters ng EOD Battalion ng ASCOM.

Sa testimonya ni Silao sa mga awtoridad, nadis­kubre niyang nakabukas umano ang vault at steel cabinet ng nasabing mga tanggapan pero nawawala na ang perang nakatago dito.

Ang insidente ay agad namang inireport ng na­sabing sundalo sa kan­yang mga superiors. Ini-lock pa umano ang sera­dura ng unahang pintuan pero nawawala na ang Egret padlock ng steel ca­binet habang sira naman umano ang lock ng vault .

Kabilang sa mga ini­imbestigahan ay ang may hawak ng duplicate keys na sina Major Ramon Torres, Chief ng Operation and Intelligence Section at Capt. Carlito Lachica, Chief ng S-4 at Finance Section. (Joy Cantos)

Show comments