^

Metro

LPG monitoring team, binuo sa Pasay

-

Bumuo kahapon ang lokal na pamahalaan ng Pasay City ng isang monitoring team laban sa mapagsa­man­talang retailers ng liquified petroleum gas (LPG) na nag­tatago ng naturang produkto.

Ayon kay Pasay City Mayor Wenceslao “Peewee” Trini­dad, ang monitoring team ay pamumunuan ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP), mga kinatawan ng Department of Industry (DTI), Con­sumers Group, Public Office & Safety Unit (POSU) at Business Permit and License Office (BPLO).

Layunin umano ng monitoring team ay upang madakip ang mga mapagsamantalang LPG retailers na nagtatago ng naturang cooking gas para maitaas ang presyo nito sa panahon ng kagipitan o kakapusan ng supply nito.

Kasabay nito, binalaan ng alkalde ang lahat ng LPG retailers sa lungsod na mahaharap ang mga ito sa kaukulang kaso sakaling mapatunayang nagtatago at nag-o-over price sa presyo ng naturang produkto. Bukod sa pagsasampa ng kaso, tatanggalan rin ng ka­­ukulang lisensya at ipasasara ang tindahan na ma­patunayang nagtatago ng kanilang itinitindang LPG. (Rose Tesoro)

AYON

BUSINESS PERMIT AND LICENSE OFFICE

PASAY CITY

PASAY CITY MAYOR WENCESLAO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUBLIC OFFICE

ROSE TESORO

SAFETY UNIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with