^

Metro

Pinoy na wanted ng FBI, pina-extradite

-

Ibinibiyahe na pabalik sa Estados Unidos ang isang Pinoy na matagal nang pinaghahanap ng Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa tang­kang pagpatay sa kanyang nobya sa New Jersey, noong 1995.

Sa ulat ni Head Agent Atty. Claro de Castro Jr., hepe ng NBI-Interpol Division, si Nelson Mar­quez, 44, ay ipinabalik na sa New Jersey, USA sakay ng Phi­lippine Airlines Flight PR 102, at ines­kortan ng da­lawang FBI agents at ni NBI Special Investigator James Sherill Tosoc.

Sangkot si Marquez sa kasong attempted murder dahil sa tangkang pagpa­tay sa kanyang dating nobya na si Connie Ardona noong Setyembre 27, 1995, sa New Jersey kaya ito ay may extradition case.

Nabatid na naganap ang insidente sa Lighting Brook Park, Union Country, New Jersey, kung saan pinagsasaksak ng 11 ulit ni Marquez ang kanyang nobya gamit ang isang letter opener.

Nasa sala umano ni US Judge John S. Triarsi ang kaso ni Marquez. Siya umano ay isang US immigrant na bumalik sa bansa matapos takbu­han ang krimen. Noong Marso 8, 1999 ay naaresto si Mar­quez sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Lorenzo Vene­racion ng Branch 47, sa isang operasyon sa Balagtas, Bulacan, kaug­nay sa extradition case na inihain ng US government.

Pinalaya naman ito matapos na maglagak ng piyansa noong Oktubre 5, 1999 ngunit binawi ito ng hukuman na nagresulta upang muli nitong ma­aresto. (Ludy Bermudo)

AIRLINES FLIGHT

CASTRO JR.

CONNIE ARDONA

ESTADOS UNIDOS

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

HEAD AGENT ATTY

INTERPOL DIVISION

JUDGE JOHN S

MARQUEZ

NEW JERSEY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with