Random drug testing sa mga mag-aaral, ingatan - CHR
Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) na bukas ang komisyon sa sinumang mag- aaral na lalapit na sasailalim sa random drug tes ting ngayong Pebrero na sa tingin nila ay nalabag ang kanilang karapatang pantao.
Ayon kay CHR Chairperson Leila de lima , bagaman hindi sila pabor sa nabanggit na hakbang ng Dangerous Drugs Board (DDB) iminungkahi nito sa mga mangangasiwa sa random drug testing na marapat na magtakda ang mga ito ng safety measures at iba pang protective legal measures para mapangalagaan ang karapatang pantao ng mga bata.
Ilan lamang aniya rito ay kailangang mapanatilihing lihim sa kaalaman ng publiko ang pagkakakilanlan o identity ng lahat ng mga estudyanteng mapipili sa nabanggit na pagsusuri.
Kailangan din aniyang matiyak ng mga opisyal ng eskwelahan, testing center at mga ahensiya ng gobyerno na walang ibang paggagamitan ang samples ng random drug testing kundi sa tunay lamang nitong pakay at hindi para sa iba pang bagay.
Binigyang diin pa ni de Lima na marapat ding magkaroon ng probisyon sa ipatutupad na panuntunan na nagbabawal sa mga eskwelahan o anupamang ahensiya ng gobyerno na magpatupad ng parusa sa batang mapatutunayang gumagamit ng iligal na droga.
Ngayon, Pebrero 4, sisimulan na ng DDB ang implementasyon ng random drug testing sa mga eskwelahan sa Metro Manila. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending