^

Metro

Contractor binoga sa inuman

-

Bumulagta sa inuman ang isang contractor makaraang pagbabarilin ng kaatraso nito sa Quezon City, kamakalawa.

Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Joseph Andrew Lapiad, 35, ng Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Patuloy namang pinaghahanap ng QC Police ang tumakas na suspek na nakilala lamang na Alyas Jun, ka-barangay ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas 9:45 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat mismo ng bahay ng biktima.

Bago maganap ang krimen, sinasabing nag-iinuman ang biktima at ilan niyang kaibigan at kamag-anak sa tapat ng bahay nito nang biglang dumating ang suspek.

Sa hindi ma­lamang dahilan, bigla na lamang pinagbabaril ng suspek ang hindi nakapormang biktima at saka tumakas ang huli.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang motibo sa isina­gawang pagpaslang sa biktima. (Angie dela Cruz)

ALYAS JUN

ANGIE

BARANGAY BAGONG SILANGAN

BUMULAGTA

CRUZ

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JOSEPH ANDREW LAPIAD

NAMATAY

PATULOY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with