^

Metro

CHR nababahala sa pagtaas ng kaso ng rape sa bansa

-

Sinisi ng Commission on Human Rights (CHR) na kawalan ng moralidad sa komunidad ang pangunahing dahilan kung bakit mataas ang kaso ng mga pang-aabuso sa mga menor- de-edad sa Region 2.

Sinabi ni CHR investigator Anthony Cruz, naka­kapanghina na kung minsan ay kinu­kun­sinti pa ng mga magulang ang kanilang mga anak para gumawa ng incestious crimes.

Bukod dito, sinisi din ng CHR na isa rin sa mga dahilan kung bakit tumataas ang kaso ng rape ay ang hindi makontrol na pagkalat ng mga pornographic videos at reading materials na mabibili sa mga lansangan sa ngayon.

Una nang nagpahayag ng pagka-alarma ang simbahan at CHR Region 2 sa pagtaas ng bilang ng kasong rape sa mga menor-de-edad sa naturang rehiyon dahilan para magsa­gawa ito ng kaukulang imbestigasyon hinggil dito. Ayon pa sa CHR, ang nakakapanlumo umano na 50% ng mga rapist ay kakilala o di kaya’y kamag-anak ng mga biktima. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANTHONY CRUZ

AYON

BUKOD

CRUZ

HUMAN RIGHTS

SINABI

SINISI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with