Indian national, pinagbabaril, patay

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang Indian national ng hindi pa nakikilalang kalalakihan kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa dibdib si Satuam Singh, 28, ng Kamagong St., Barangay Parada ng lungsod na ito.

Sa pahayag ng saksing si Victor Factor, alas-9:30 ng umaga, nasa loob siya ng kanyang bakery sa Lingunan ng lungsod na ito, nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril. Nang kanyang labasin ay nakita niya ang biktima na duguan na naging dahilan upang dalhin ito ng ilang taong naroroon sa nabanggit na pagamutan. Nakita sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong basyo ng kalibre .45, isang cellphone, baryang P45, ballpen at XRM ng biktima na may plakang XO-4610.

Inaalam na ng mga pulis kung holdaper ang mga suspek o hired killers. (Lordeth Bonilla)

Show comments